5.1 MAGNITUDE QUAKE SA MIMAROPA

OCCIDENTAL MINDORO-NAITALA ang 5.1 magnitude 5.1 na lindol sa lalawigang ito dakong alas-12:08 ng tanghali.

Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig 10 kilometers, pa-hilagang silangan sa bayan ng Sablayan sa Occidental Mindoro.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 015 kilometers.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Calapan City, Oriental Mindoro habang naitalaang intensity 3 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Naramdaman naman ang intensity 2 sa Roxas, Oriental Mindoro; San Jose, Occidental Mindoro; at Batangas City at intensity 1 naman sa Tagaytay City, Cavite; Mulanay, Mauban, Gumaca at Dolores, Quezon.

Samantala, wala namang inaasahang aftershocks at pinsala kasunod ng naturang lindol.