5-ANYOS NALUNOD SA SWIMMING POOL

nalunod

NASAWI ang isang limang taon gulang na batang babae matapos malunod sa swimming pool ng isang resort sa Malabon City, ka­makalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa San Lorenzo Riuz Hospital ang biktimang si Julien Gesmundo, Kinder II at residente ng No. 1 Sebastian St., Herbosa Ext., Tondo Manila.

Lumabas sa imbestigasyon nina PSSg Richard Andrew Calaycay at PSSg Jose Romeo Germinal II, unang nagtungo ang pami-lya ni Jonathan Centeno, 34, tiyuhin ng biktima, kasama ang kanyang pamangkin sa Villa Vicencio Garden Resort na matatagpuan sa No. 103 M. Sioson St., Brgy. Dampalit upang ipagdiwang ang kaarawan ni Jedcel Salangsang.

Gayunpaman, bandang alas-8:00 ng gabi, laking gulat na lamang ng isang customer nang makita sa ilalim ng swimming pool ang katawan ng biktima at agad inahon nito ang katawan ng bata.

Kaagad namang sinubukang i-revive ang biktima sa pamamagitan ng CPR ng isa sa may-ari ng resort na si Carlo Vicencio bago mabilis itong isinugod sa natu­rang pagamutan, subalit hindi na rin umabot ng buhay. EVELYN GARCIA