ISAISIP ang mga bagay na ito habang sinusubukan mong pagbutihin ang iyong buhay. n Unang-una, sa huli, hindi mo magagawang mabuhay hanggang sa iyong buong potensiyal. ‘Yan ang katotohanan. Tila magiging paulit-ulit ang pagtakbo ng buhay mo at ‘di mo masasabing nagtagumpay ka.
May panahon na mawawala, at alam mo ito. ‘Di mo kasi mapipigilan o mababalikan ang nakaraang panahon, ‘di ba? Pero mababago mo pa rin ang buhay mo upang makapag-level up. Aahon ka pa rin naman, pero ‘di gaya ng inaakala mong lubos na tagumpay. Kaya naman narito ang mga dapat tandaan na makatutulong sa pagpaplano upang umangat ka pa.
#1 Hindi ito palaging magiging ganito
Kung akala mo ‘di ka na uungos sa buhay, hindi pala. Darating ang panahon na hindi ka mahihirapan nang husto sa buong oras tulad ng ginagawa mo sa simula. Sa kalaunan, ‘yung patuloy kang gumagawa ng content, sa kalaunan ay magkakaroon ka ng mga tagahanga sa mga post mo. Dadami rin ang mga kostumer mo at mas gagaan ang pag-market mo. Hindi mo na kakailanganing mag-isip ng malalaking antas ng pagganyak nang alagian dahil magkakaroon ka ng mas mahuhusay na pag-aari tulad ng mga gawi, disiplina, at pinakamahalagang momentum. Ang momentum ay magiging iyong matalik na kaibigan. Kapag nakuha mo na ang proseso ay nagiging mas madali ito sa kalaunan.
#2 Mahirap mang baguhin ang pananaw ng mga taong malalapit sa iyo, tuloy ka lang
May kasabihan na “Walang propeta sa sariling pamamahay.” Kaya naman magiging mahirap na baguhin ang pananaw ng mga taong nakapaligid sa iyo na matagal ka nang kilala. Ang isang bahagi mo ay gugustuhin ang kanilang pag-apruba. Gusto mong ipakita sa kanila na kaya mong baguhin ang knabukasan mo nang taliwas sa iniisip nila (na ‘di mo kaya). Simple lang. Magbago ka para sa iyong sarili, kahit na walang sinuman sa paligid mo ang kumikilala nito. Hindi lamang iyon, ngunit makakatagpo ka ng isang grupo ng mga tao sa buhay na alam ang na-upgrade na bersiyon mo. Kung hindi mo maiiwasan ang pangangailangan para sa pagpapatunay, makukuha mo ito mula sa mga nakakakita sa iyo sa dulo ng tagumpay.
#3 Bakit napakahirap ng pagbabago?
Kung sinusubukan mong baguhin ang iyong buhay, kailangan mong maunawaan na hindi mo gustong baguhin ang iyong buhay, ayon sa tingin mong ginagawa mo. Ngunit kung ginawamo, nagawa mo na ito. Ano kaya at i-flip mo ang script sa pamamagitan ng pag-unawa na ang pagbabago ay ang huling bagay na gusto mo namang gawin talaga.
Kailangan mong bumuo ng isang antas ng kamalayan sa sarili kung saan naiintindihan mo ang iyong tunay na mga motibasyon. Gusto mong manatili sa parehong antas ng pamumuhay dahil mahalaga sa iyo ang pagiging pamilyar sa mga bagay kaysa sa isang mas magandang buhay. Madaling isuko ang iyong sarili sa pamumuhay na mababa sa iyongpotensyal. ‘Yun lang, bumababa ka sa antas ng awa sa sarili.
Hanggang sa maunawaan mo na mahal mo ang bersiyon ng sarili mong ‘di naman nag-aangat ng antas mo sa buhay, hindi ka magbabago. Baguhin mo ang pananaw mo. Tandaan mo na ang iyong potensiyal ay walang halaga kung wala kang gagawin dito. Humakbang ka na patungo sa hinaharap.
#4 Ang katotohanan tungkol sa iyong mga kaibigan at pamilya
Maraming mga self-help guru ang nagsasabi sa iyo na sinusubukan ka ng iyong mga kaibigan at pamilya na pigilan ka at ayaw kang makita na manalo. Totoo ito sa isang antas, ngunit hindi nito sinasabi ang buong kuwento.
Hindi sinusubukan ng mga tao na sirain ka dahil ayaw nilang makita kang manalo. Ginagawa nila ito dahil kakaunti ang mga taong nanalo sa totoong buhay. Mahirap baguhin ang iyong buhay at hindi ito nagagawa ng karamihan, kaya bakit sa tingin nila ay magagawa mo rin ito?
May halong katotohanan ang sinasabi nila kasi naman, sa isang mundo kung saan karamihan sa mga tao ay nagtatrabaho sa mga trabahong kinasusuklaman nila, nagpupumilit na umalis sakanilang sitwasyon, at tumakbo sa karera ng daga, makatuwiran na maging may pag-aalinlangan sa ideya ng pagpapabuti sa sarili.
Maraming ‘di nagtagumpay, kaya para sa kanila, magdududa sila na iba ka sa kanila at sa kanilang paniniwala. Eh, ikaw, sasama ka ba sa kanilang paniniwala o hindi?
#5 Huwag itaas ang sarili
Nagsimula ka bilang isang normal na mamamayan. Nagbasa-basa ka ng mga tulong-dunong na babasahahin. Umunlad ka.
Tapos, ikaw naman ang naging tagapag-payo sa iba. ‘Di naman ito masama. ‘Yun nga lang baka masyado mong itaas ang sarili mo na natuto lang sa payo ng iba, umangat nang kaunti, naging tagapagpayo na.
Sa halip, maging mapagkumbaba at huwag kaagad maging mangangaral. Subukan mo muna ang iba’t ibang paraan upang mag-level up. Kapag nahasa ka na at umangat nang husto, baka naman puwede ka nang magpangaral sa iba. Baka lang.
Konklusyon
Sa dulo, ‘di naman masamang mangarap at magpursigengumangat o mag-level up sa buhay. Pero para gawin lang ito bilang pinaka-hangarin ay ‘di na maganda.
Sa halip, ituon ang pokus sa lahat ng magagawa mo sa bawat araw. Dun lang sa isa-isang araw at huwag sa mga bagay na tila maglalaho lang – gaya ng pera at material na bagay. Simple lang. ‘Di mo naman talaga alam ang mangyayari bukas. Ngayong araw lang ang meron ka na siyang katotohanan. Kaya gawin ang lahat ng kayang gawin ngayon. Maging masipag, masinop at mapagkumbaba. Magpasalamat sa Diyos.
vvv
Si Homer ay makokontak sa email niyang [email protected].