5 CHINESE VENDORS NAGTINDA NG OVERPRICED FACE MASK TIKLO

N95 FACE MASKS

MAYNILA – SINALA­KAY ng mga tauhan ng MPD-Special Ma­yors Reaction Team (SMaRT) ang ilang establisimiyento sa isang kilalang mall sa Divisoria matapos makatanggap ng reklamo hinggil sa bentahan ng face mask na overpricing o mataas sa regular na presyo sa merkado.

Kinilala ang mga inaresto na sina Scott Lu, 22; Wei-Xin Sy, 42; Li Jing-Nai, 41; Kaymi Sy, 29; at Sy Xiao Ming, 36, na pawang mga Chinese at mula sa 999 Mall  Building 1, Binondo, Manila.

Ayon kay SMaRT  Chief P/Major Rosalino Ibay Jr., may nagreklamo sa Office of the Mayor at Bureau of Permit dahil sa pag-abuso sa presyo ng N-95 mask  o surgical  mask sa halagang mula sa P150 hanggang P200 pataas.

Ayon pa kay Ibay, nilabag ng nabanggit na mga Chinese national ang Republic Act 7581 o mas kilala na “An act providing protection to consumers by stabilizing the prices of basic necessities and prime commodities and by prescribing measures against undueprice increases during emergency situations and like occasions.”

Kasabay ng isinagawang pagsalakay sa 999 mall, napag-alaman na inaangkat nila ang mga mask sa Wyler Industrial  Supply  sa C.M Recto corner Remegio  Street, Rizal Avenue, Manila kung kaya agad na nagsagawa ng follow-up operation ang SMaRT kung saan tatlong iba pa ang naaresto kabilang ang isang babae na hindi pa binanggit  ang mga pangalan at kapwa mga Filipino.

Nilabag din ng Wyler ang R.A 7581, the price act of 1992,  R.A 7581 under Sec. 5 ng RA 7581 hoarding o ang hindi makatwirang paglilimita na ipamahagi o pagbebenta ng mga stock o anumang pangunahing pa­ngangailangan ng publiko.

Gayundin ang R.A 7394–the consumer act of the Philippines, protection against hazard to health and safety, pprotection against deceptive, unfair and unconscionabkle sales and practices t tax Rvenue Omnibus Code  of City of Manila.

Nakatakda namang iprisinta kay Manila ma­yor Francisco “Isko Moreno’ Domagoso ang mga naarestong suspek.

Una nang nagbabala ang alkalde sa mga trader  na huwag samantalahin ang pagkakataon  dahil sila ay may kakaharaping mga kaso. PAUL ROLDAN

Comments are closed.