MALAKI ang posibilidad na makulong ang limang empleyado ng Bureau of Customs (BOC), at ang apat na consignee kapag napatunayan ng korte na nilabag ng mga ito ang section 1401 o ang Unlawful importation in relation to section 1424 na may kinalaman sa ilegal na pagpapalabas o removing goods mula sa customs custody sa ilalim ng Customs Moderization and tariff ACT (MTA).
Ang mga akusado ay kinabibilangan nina, Sherbet Sabillo Alazas, may-ari ng General Success Merchandise, at customs broker nito, Raul Mercado de Leon Jr., may-ari ng Melea RPL Enterprises, at Joegen Lisondra, may-ari ng Mave trading.
Kasama rin sa mga kinasuhan sina Jose Marie Fernandez, Manager ng Mindanao International Container Terminal, Customs representatives Geneva Cedeno alias “Bebang” na siyang nag-facilitate sa pagpapalabas ng mga container.
Nadiskubre na nakipagsabwatan ang limang BOC employees sa mga consignee sa pagpapalabas ng mga naturang container nang hindi pa nagpa-file ng corresponding import entry at hindi pagbayad ng duties and taxes .
Nai-release ang mga kargamento sa ilalim ng “swing operation” scheme, gamit ang Value-Added Service Provider (VASP) with stamp of “SUBJECT FOR X-RAY” or “FOR TRANSFER TO MICT-CCA”. FROI MORALLOS
Comments are closed.