CAVITE – NANGANGANIB masipa sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang limang kadete na sangkot umano sa pambubog sa isang plebo.
Ayon kay PNPA spokesperson Police Lt. Col. Byron Allatog ongoing ang imbestigasyon sa nasabing kaso.
Sinabi ni Allatog na sa loob ng 20-araw inaasahang lalabas ang resolusyon sa kaso at mayroong posibilidad na ang limang kadete ay masibak sa PNPA, depende sa magiging “appreciation” ng summary hearing officer.
Bukod sa kasong administratibo, inihahanda na rin ang kasong kriminal para sa limang kadete habang hinihintay pa ang resulta ng medico-legal report ni Desiderio.
Dagdag pa ng opisyal, nanatiling nakahiwalay ang mga nasabing kadete habang patuloy namang nagpapagaling si Desiderio.
Isinugod sa ospital si Desiderio matapos dumaing ng pananakit ng tiyan dahil sa pisikal na pang-aabuso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.