MAY kabuuang limang kompanya ang nagtanong na sa PBA hinggil sa buyout ng multi-titled Alaska franchise.
Tatlo sa mga ito ay direktang nakipag-ugnayan kay commissioner Willie Marcial, habang ang dalawa ay kay Alaska team governor Dickie Bachmann.
“May tatlo nang may gusto. May tatlo nang nagtatanong sa prangkisa (ng Alaska),” ani Marcial.
“Tapos may dalawa pang nagtanong din kay Gov. Dickie.”
Noong Miyerkoles ay inanunsiyo ni Alaska team owner Wilfred Uytengsu ang desisyon ng franchise na magpaalam na sa liga matapos ang 35-year stint.
“A buyout of the franchise meant acquiring the entire team lock, stock, and barrel, or in the event there would be no buyer, the players will be put under a dispersal draft,” ayon sa PBA.
Sinabi ni Marcial na ang Alaska management ay may hanggang Abril para makahanap ng posibleng buyer. Kung hindi ay mismong ang liga ang magte-take over at sisikaping ibenta ang franchise sa interesadong grupo o partido.
“Pero kung meron mang interesado, marami pa ring gagawin ‘yun. Titingnan natin yung financial capability, ‘yung background ng kompanya, at iba pa,” dagdag ng commissioner.
Tapos ibibigay natin ‘yun sa (PBA) Board. Kailangan ng two-third votes para maaprubahan sila.”