CAMARINES SUR – LIMANG mangingisda na pawang Masbateño ang nakaligtas sa kapahamakan sa karagatang sakop ng bayan ng Pasacao.
Sa ulat, lulan ang mga mangingisda, na tumangging ibigay ang pangalan, ng isang bangka para mangisda na galing pa ng Aroroy, Masbate.
Gayunman, naging masungit ang panahon kaya mula Masbate ay napadpad ng Camarines Sur ang bangka partikular sa Barangay Dalupaon, Pasacao.
Sa salaysay ng mga biktima, patungo sana sila sa San Andres, Quezon ngunit pagdating sa nasabing lugar, nakasalubong nila ang malalakas na alon dulot ng habagat hanggang sa mapadpad sa Barangay Dalupaon.
Kaugnay nito, agad namang tinulungan ng mga residente sa lugar ang mga biktima. MHILLA IGNACIO
Comments are closed.