NATAGPUAN na ang lima sa siyam na mangingisda na unang napaulat na nawawala sa Maburao, Occidental Mindoro.
Ang mga mangingisda ay sakay ng mga bangkang Marx Man at Ariana-Je nang magkasunod na maglayag noong Nobyembre 4 at 5 para mangisda sa Mindoro Strait.
Araw ng Sabado, Nobyembre 9, dapat ay nakabalik na sa laot ang mga mangingisda pero bigo na ang kanilang kaanak na sila ay matawagan.
Hindi naman tumigil ang rescue team at nasagip ang lima habang patuloy pa ang paghahanap sa mga nawawala. VERLIN RUIZ
Comments are closed.