CALOOCAN CITY – ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Chief Supt Joselito Esquivel Jr. ang limang miyembro ng Dugo-Dugo Gang sa entrapment operation sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga inaresto na sina Diane Crisostomo, 36, ng Valenzuela City; Jhen Sanchez, 30, Bernadeth De Guzman, 35, Melvin Pacia, 30, kapuwa mga galing sa Caloocan City at Julieta Joseph, 42, ng Tondo, Manila.
Alas-4:30 ng hapon, isang Robert Barit, 36, ang nagmamanman sa isang motor shop ng isang Harold ang lumapit sa kanya upang pagbentahan ng gintong singsing na may diamond.
Binili naman ito ni Barit P15,000 at huli na nang madiskubreng peke ang bato kaya dumulog sa Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni Supt. Rossel Cejas.
Bandang alas-9:00 ng umaga noong Disyembre 6, 2018, muling inalok ng suspek si Barit ng isang Rolex relo sa halagang P30,000 at nakipagkasundo na magkita ito sa grocery store sa Monumento at dito ay isa nang entrapment operation ang isinagawa ng nasabing police station katwang ang District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) sa ilalim ni PCI Angelo Nicolas.
Alas-11:30 ng umaga nang madakip si Sanchez at mga kasama nito makaraang tanggapin ang ‘marked money’.
PAULA ANTOLIN
Comments are closed.