5 NEGOSYO NA ITINAYO 10 TAON PA LANG ANG NAKARARAAN NA NAG-TAGUMPAY

homer nievera

AYON sa Forbes (magazine), 90% ng mga startup ay ‘di nagtatagumpay. Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari. Ang mga startup noon na Friendster, Multiply, at Yahoo ay pinalad na mabenta sa milyon-milyong dolyar bago ipinasa (at isinara o binago) ng nakabiling kompanya.

Pero kung ‘di ka maka-exit nang maayos, magsasara ka na lang. Ang tanong, ano ba ang dapat gawin para ‘di maisama sa listahan ng mga bigong startup ang negosyo mo?

Para sagutin ‘yan, narito ang limang startup na nakilala sa Amerika na itinayo 10 taon na ang nakararaan na nagtagumpay:

#1 Instacart

Itinayo ang Instacart noong 2012 ni Apoorva Mehta na isang dating empleyado ng Amazon. Nais ng Instacart na madalian sa pag-grocery ang mga tao. Sa pamamagitan ng online delivery system nila na nakakabit sa ilang kilalang grocery sa Amerika at Canada, maaaring umorder ang mga tao at ide-deliver mismo ng taga-Instacart sa bahay mo ang mga napamili mo. Ngayon, 8 billion dolyar na ang halaga ng kompanyang Instacart.

Ang leksyon dito ay ang pagiging maagap sa pagkilala ng mga negosyong uunlad sa darating na panahon. Noong itinayo ang Instacart, lumalabas na ang sintomas ng hilig ng mga tao sa pagbili ng mga bagay-bagay online gaya ng sa Amazon. Kaya naman makalipas ang ilang taon, sa paglabas ng ilang shoppings apps, nauna na sa industriya ng online grocery shopping ang Instacart.

#2 Le-Vel Thrive

Sa larangan ng direct selling, marami na ang gumaya sa tulad ng Avon na siyang halos na pinakauna sa buong mundo. Mapalad itodahil hanggang ngayon ay narito pa ang brand na ito.

Kaya nang pumasok ang Le-Vel Thrive sa parehong industriyang direct sales, humarap din ito sa mga kaparehong kontro­bersiya at sigalot noong maitayo ito noong 2012. Sa larangan ng kalusu­gan humilera ang Le-Vel at ngayon, isa na itong matagumpay na negosyo na may halagang 2 bilyong dolyar na balwasyon (valuation).

Naging bihasa sa paggawa ng mga kalidad na produkto ang Le-Vel. Sa katunayan, ang kanilang mga produkto ay nakatutulong sa mga kostumer na maging mas masigla ang pangangatawan at pag-iisip. Malaki rin daw ang naitulong ng kanilang teknolohiya sa larangan ng imbentaryo at serbisyo para sa kostumer.

#3 Blue Apron

Ang mabilis na buhay na dala ng modernong pamumuhay ay nakaka-stress. Dahil dito, pagod na ang mga tao na makapagluto sa bahay. Kaya naisip ng Blue Apron ng isang konsepto kung saan magde-deliver sila ng mga sangkap para sa ilulutong pagkain sa isang araw, na may kasamang tagubilin o instructions.

Sa ngayon, kahit may mga lumitaw na kakompitensiya ang Blue Apron sa Amerika, halos tatlong milyong pagkain ang idini-deliver nito araw-araw.

#4 Draft Kings

Ang larangan ng isports ay isa sa pinakamalaking pinagkakakitaan ng maraming kompanya. Ang halaga ng prangkisa ng mga pangkat ng isports o mga sports team ay tumataas taon-taon.

Sa panahon ng internet, lumabas ang mga tinatawag  na Fantasy Sports. Gaya ng online games at apps, nahilig ang mga tao sa ganitong uri ng ali-wan. Dito sa larangan na ito pumasok ang Draft Kings sa Amerika, na may kasamang pagpupusta noong 2012

Lumarga nang husto ang Draft Kings sa pamamagitan ng pagiging isa sa mga naunang kompanya sa larangan na ito. Naisaayos nito ang mga regu-lasyon at teknolohiya na kabalikat ng  kanilang negosyo. Isa nang multi-bilyong dolyar na kompanya ang  Draft Kings.

#5 Vox Media

Itinayo ang Vox Media noong 2011 na tulad ng ilang ordinaryong  blog noong mga panahong iyon (gaya ng ating Negosentro.com). Nang mabili ito ng NBC-Universal, naging multi-bilyong blog na ang Vox.com, kasama ang The Verge at Eater.com.

Ang pagiging masinop at matiyaga sa iyong startup ay mahalaga upang  magtagumpay. Malaking bagay ang pagkakaroon ng maayos na business plan at ang aking tinatawag na exit strategy. Kung nais mong malaman paanong mapalaki ang startup mo, mag-email lang po sa inyong lingcod.

Tandaan na sa lahat ng bagay, ang Diyos ang iyong gabay.

o0o

Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Mag-email lang sa kanya ng mga katanungan ukol sa pitak na ito [email protected].

Comments are closed.