DELAWARE, USA – LIMANG miyembro ng pamilyang Filipino ang nasawi sa road accident.
Ang mga biktima ay nakabase sa Townsend, Delaware at ayon sa Delaware State Police ay nasangkot ang mga ito sa car crash.
Nakilala ang mga nasawi na sina Audie Trinidad, padre de pamilya; mga anak na si Kaitlyn, 20; Danna, 17; at kambal na sina Allison at Melissa, 13.
Bukod sa mga namatay, ang ina ng tahanan na si Mary Rose, 53, ay nagtamo naman ng malubhang sugat at nananatili sa Christiana Hospital sa Newark, Delaware.
Si Audie ay nagtatrabaho bilang postal worker, habang nurse naman si Mary Rose. AIMEE ANOC
Comments are closed.