UMAASA ang Philippine Sports Commission (PSC) na mapapantayan o mahihigitan pa ng Filipinas ang maipadadalang Paralympians sa 2021 Tokyo Paralympics matapos na makasiguro na ng puwesto ang limang Pinoy athletes.
Sinabi ni PSC Commissioner Arnold Agustin na naghihintay pa sila sa Tripartite Agreement na ilalabas para sa tatlong sports events — cycling, para-power lifting at table tennis — para samahan sina Allain Ganapin (Para-Taekwondo), Jerrold Mangliwan (Para-Athletics, wheelchair racer), Jeanette Aceveda (Para-Athletics, discuss thrower), Ernie Gawilan (Para/Swimmiing) at Gary Bejino (Para-Swimming).
“Silang lahat ay dumaan sa standard qualifying event, so napakahirap ng pagka-qualify nila,” wika ni Agustin, Huwebes ng umaga sa TOPS Usapang Sports on Air.
“Mayroon pa tayong inaabangan by Tripartite Agreement dun sa ating cycling at sa para-power lifting, bale inaabangan pa rin natin hopefully mapili rin sila,” dagdag ni Agustin na umaasang mapapantayan ang anim na naipadala sa 2016 Rio Paralympics o mahigitan pa ito. Ang Paralympiad ay idaraos sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5 sa Tokyo, Japan.
“So, we’re still waiting sa tatlong events na iyon, hopefully magkaroon pa ng dagdag, kasi nung last Rio Olympics, 6 ‘yung nag-qualify natin eh, so right now 5 pa lang, maganda sana kung equal o madagdagan pa natin sa Tokyo Olympics,” sabi ni Agustin.
Sinabi rin ni Agustin na may tsansa na muling makabalik sa Olympiad si 2016 Rio Olympics singles class 8 bronze medalist at 7-time ASEAN Para Games champion Josephine Medina sakaling mag-back out ang kasalukuyang world number 1 sa kanyang kategorya
“Although hindi siya (Medina) na-invite via partite, bale No.2 siya, just in case na mag-back out ‘yung No. makakapasok siya automatic,” ani Agustin, kung saan tinuldukan ng 51-anyos na two-time Asian Para Games silver medalist ang 16 na taong pagkagutom sa medalya sa Paralympic Games na huling kinuha ni para-power lifter Adeline Dumapong sa 2000 Sydney Paralympics sa kanyang bronze medal sa women’s under-82.5kgs category.
Naniniwala si Agustin na malaki ang tsansa na makapag-uwi ng medalya sa Paralympiad ang 7-time ASEAN Para Games gold medalist at triple Asian Para Games champion na si Gawilan, gayundin ang iba pang mga sasabak sa 16th edition sa capital city ng Japan.
606255 758823Constructive criticism is usually looked upon as becoming politically incorrect. 132508
739372 998126In case you happen to excited about eco items, sometimes be tough shock to anyone them recognise that to assist make exclusive baskets just for this quite liquids carry basic steps liters associated ceiling fan oil producing. dc free of charge mommy weblog giveaways family trip home gardening residence power wash baby laundry detergent 75949
993852 421692Woh I like your content material , saved to bookmarks ! . 412323
577941 414803Average In turn sends provides will be the frequent systems that offer the opportunity for ones how does a person pick-up biological, overdue drivers, what one mechanically increases the business. Search Engine Marketing 659022
159070 25708So could be the green tea i buy in cans exactly the same as the regular tea youd buy to put in your morning cup? Ive been told is just normal green tea created to be cooler, but does it have any affect as far as not speeding up your metabolism as fast as normal hot green tea? 31155