ORIENTAL MINDORO-ISINAILALIM sa lockdown ang Calapan City Police makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang bilanggo rito.
Ayon kay PNP Region-4B PIO Chief Lt. Col Imelda Tolentino, agad na dinala sa ospital ang naturang preso samantalang naka-quarantine naman sa kanilang selda ang iba pang detainee na nagnegatibo sa COVID-19 test at wala ring ipinakikitang sintomas ng sakit.
Mananatiling naka-lockdown naman hanggang 15 araw ang Calapan City Police na nagsimula kamakalawa.
Dahil dito, naka-quarantine sa istasyon ang mga pulis at civilian employee na may mahalagang gagawin kabilang ang limang pulis na nagpositibo at isang empleyado
Karamihan naman sa mga pulis Calapan ay naka-home quarantine base sa rekomendasyon ng mga doktor.
Sa ngayon, mga tauhan ng Oriental Mindoro Provincial Mobile Force ang nagbabantay sa buong lungsod.
Comments are closed.