5 PUSHERS SA BULACAN KORNER SA DRUG WAR

Shabu

BULACAN – LIMANG drug pushers na tatlo ay kabilang sa PNP/PDEA Unified watchlist dahil sa malawak na operasyon ng pagbebenta ng droga sa probinsiya. Ang magkakasunod na nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulacan PNP sa serye ng isinagawang buy bust operation sa bayan ng San Rafael, Malolos City at San Ildefonso, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang mga naarestong sina Avelino Avila y Roces III alias Ungi, 38; Mark Anthony Pangilinan y Robielos alyas Max,31; Jerald Mingo y Andaya alias Jerald, 34, pawang nasa unified watchlist ng PNP/PDEA; Alvin Sun y Ong, 46 at Rodolfo Florez y Sta. Mesa na pawang nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.

Ang mga suspek ay magkakasunod na nakorner ng DEU ng San Rafaek police sa ilalim ng over all supervision ni P/Lt.Col.Acquiot, San Rafael police chief, at P/Lt. Col. Voltaire Rivera at nakumpiskahan ang mga nadakip na drug suspect ng 14 na pakete ng shabu at marked money.

Nakumpirmang ipinasailalim sa week long surveillance operation ng DEU operatives ang mga suspek at nang mag-positibo sa kanilang target ay ipinasailalim nila ito sa buy-bust operation at masakote matapos kumagat sa entrapment operation ng pulisya. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.