5 SA KIDNAP-TRY SA CHINESE TIKLO

Kidnap

MAKATI CITY – INA­RESTO ng mga tauhan ng Makati City Police station ang limang indibiduwal, kabilang ang isang Chinese sa tangkang pagdukot sa isa pang dayuhan kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PNP Spokesperson PBgen Bernard Banac, ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Anthony Brillante Pareño, 24; John Valentino Muega, 24; Reyan Guinson Villanueva, 35; Joe Marie Abrid Lavilla, 31; at Zhaochun Chen aka “Zhan Hao”, 21, Chinese National.

Nagsasagawa ng beat patrol ang mga pulis ng Makati CPS alas-2 ng madaling araw sa Kalayaan Ave. corner Burgos St., Brgy Poblacion, Makati City nang maaktuhan nila ang mga suspek sa tangkang pangingidnap.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek habang kinakaladkad ang biktimang si Ma Zhi Rui, 36, isang Chinese National para maisakay sa isang puting Toyota Super Grandia VX-1750.

Tinangka pa umano ng mga suspek na suhulan ng P100,000 ang mga pulis. REA SARMIENTO