PANAHON ng pagmumuni-muni at pag-aayuno para sa milyon-milyong Katoliko sa buong bansa. Sa karamihan, panahon ito ng mahabang bakasyon. Kung anuman ang iyong gagawin sa halos isang linggong Semana Santa, maaari mo ring pag-isipan kung ano ang gagawin para makaipon at maka-invest ng pera mo para sa iyong kinabukasan.
Ako kasi, ang investments ko ay malawak. Nasa negosyo ang malaking bahagi at mayroon ding iba’t ibang instrument para sa malawak na portfolio na tinatawag. Ibabahagi ko ang ilang tips para naman makapagsimula ka.
#1 Magsimula nang maaga – Ngayon na!
Mas bata kang magsimulang mag-ipon mas okey. Sa totoo lang, elementary pa lang ako nang magsimula sa pagpaparenta ng komiks. Diyes sentimos lang noon. Oo, mga late 1970s pa ‘yun. Pero malaki na ang halagang iyon noon. Pero ang mahalaga, maa-ga akong natutong magnegosyo at mag-ipon. Inilalagay ko sa maliit na kahon ang barya at inilalagak sa bangko. Isipin mo ang interes num na gumugulong at lumalaki. Ang tip ko ay kung maaga kang mag-invest, insurance ang unahin mo. Dahil mura pa ang halaga nito at maaari mong hatiin sa mutual funds ang inilalagak na pera rito. Magtanong sa mga financial planner. Kung nais mong may makausap na maayos na ahente, irerekomenda ko si Chino Caluag(faceboook.com/danilo.caluag) na siya ring umayos ng in-surance ko noon pa.
#2 Gumawa ng Budget
Ang pagbadyet ng pera ay ‘di madali. Kailangan mo ng disiplina para maipatupad ito nang maayos. Sa una pa lang, ilista na ang gastusin at pumapasok na pera. Itabi ang mga ito at i-match kung pasok ang pera mo. Kung kulang, kayod pa! O kaya, magtanggal ng gastusin. Ganoon kasimple mag-umpisa. Kung ‘di ka magaling sa pagbadyet, magpatulong sa may alam. Tandaan na disiplina sa pagtitipid ang kailangan dito.
#3 Alamin ang hangganan ng ‘Risk Tolerance’
Ang ‘risk tolerance’ ay ang hangganan ng iyong pagtaya sa investment mo. Tinatanong ‘yan madalas kung kumukuha ka ng life insurance. Ito ang pagtingin mo sa sarili mong kapasidad kung mas ‘risk-taker’ ka o hindi. Kung agresibo ka sa investment, sa stock market ilagay ang lahat ng pera mo. Kung ‘di ka risk-taker, sa bonds ilagay. Kung sa gitna, hati ng bonds at stocks ang in-vestment mo. Pag-aaralan ang stock market muna kung para doon ka. Ang bonds kasi ay mas sigurado ang investment pero mas maliit siyempre ang kita o interes.
#4 I-set mo ang iyong short-term goals
Ang short-term goals ay ang nais mong makamtan sa maikling panahon ng pag-invest. Maaaring ito’y travel plans, sariling pag-aaral, sasakyan, emergency, kasal, kapital sa panimulang negosyo at iba pa. Dito mo kasi mailalaan ang kita sa investments mo sa maikling panahon. Ang maikling panahon ay hanggang limang taon ng pag-iipon o pag-invest.
#5 I-set mo ang iyong long-term goals
Ang long-term goals naman ay iyong higit sa limang taon mo nais magamit ang investment mo. Karamihan sa mga tao ay nagla-laan nito para sa retirement, pag-aaral ng kolehiyo ng anak, negosyong pangmatagalan, at iba pa. Ang mahalaga ay nakahati at nakaplano na ang mga investments mo ayon sa panahong gagamitin ito.
Ang payo ko ay mag-invest sa negosyo, gaano man ito kaliit. Mas maliit ang risk, mas okey. Kung walang kapital na negosyo, pinaka-okey naman! Ang mahalaga ay magsimula nang maaga.
o0o
Si Homerun Nievera ay isang technopreneur at consultant sa iba’t ibang kompanya na may kinalaman sa tech at digital marketing. Kung nais mong makipag-ugnayan, email mo siya [email protected].
Comments are closed.