BULACAN – ARESTADO ang lima katao na kapwa wanted sa iba’t ibang kaso sa magkakahiwalay na man hunt operation ng Philippine National Police (PNP).
Sa report ng Bulacan Provincial Police Office kay PNP Regional Director PBGen. Joel Napoleon Coronel kinilala ang nadakip na suspek na si Rosalie Mancilla y Argarin, 62-anyos, ng Barangay Tambobong Bocaue, sa kasong slight physical injuries.
Habang nasakote rin sina Michael Parcia y Arroyo, 23, ng Brgy.Tabok, Angat sa kasong rape; Divina Gracia Pangilinan y Dela Cruz alyas Vina, 37; Richard Dela Cruz y Perez alyas Richard, 39, na kapwa sangkot sa kasong perjury ng Brgy. Talampas, Bustos; at Jerome Sta. Maria y Musni, 24, ng Brgy. San Gabriel, Sta. Maria na sabit sa kasong paglabag sa C. O. 595, s-2015.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad kapwa may mga warrant of arrest na mula sa iba’t ibang korte ang mga inaresto.
Nabatid na dinakip ang mga suspek sa pinaigting na kampanya laban sa mga most wanted sa buong rehiyon, samantala detinedo ngayon ang lima sa mga Municipal jail. THONY ARCENAL
Comments are closed.