CAVITE – LIMAKATAO na sinasabing wanted as municipal level ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-crime operation sa lalawigang ito kamakalawa.
Kasalukuyang nakapiit sa police custodial center ang mga akusadong sina Adrian “Ian” Dino, 30, ng Brgy. Calico V, Imus City; Rogel Esguerra ng Barangay Anabu 2-D, Imus City; Arky Mendoza, 29, ng Sunshine Ville Subd. sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City; Crismark Tacsay, 20, ng Brgy. San Agustin I, Dasmariñas City; at si Gregorio Gregorio, 26, ng Brgy.
Timalan Concepcion, Naic.
Lumilitaw na ang mga akusado ay naaresto sa kani-kanilang bahay kung saan sina Dino at Esguerra ay kapwa may 5 kasong paglabag sa RA 6539 (New Anti-Carnapping Act) na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Regional Trial Court Branch 21, Imus City.
Ang iba pang akusado na may warrant of arrest na inisyu ng iba’t ibang hukuman ay inirekomendang magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan.
Nabatid din na sina Dino at Esguerra ay pinagpipiyansa ng P.3 milyon bago makalaya pansamantala habang nagpapatuloy naman ang pulisya sa manhunt operation laban sa iba pang most wanted person na nagtatago sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO
Comments are closed.