ZAMBALES – BALIK-OPERASYON na ang nasa 50% mga negosyo sa loob ng Subic Bay Freefort kasabay ng pagpapairal ng general communiry quarantine (GCQ) bunsod ng coronavirus (COVID-19).
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Atty. Wima “Amy” Eisma, pinayagan na makapag-operate ang may kabuuang 868 na kompanya na nasa loob ng SBFZ para sa pagkakaloob ng core business activities at mga negosyong may kinalaman sa essential services.
Kabilang aniya sa mga binigyan ng pahintulot ang mga kumpanyang nasa manufacturing ng export products, producers at mga supplier ng food products at manufacturer ng mga gamot.
Kabilang din sa mga nabigyan ng go signal na magbukas ang mga utility operators.
Dagdag ni Eisma, bago pa ang hudyat sa 868 Firms, nauna ng pinayagan ng SBMA na magpatuloy sa kanilang operasyon ang 569 business firms sa ilalim pa ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula pa noong Marso 16.
Nasundan pa na nabigyan ng pahintulot ang karagdagang 286 na kumpanya na nakapagbukas sa SBFZ sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Nasa 1,648 firms ang kasalukuyang nag-ooperate sa loob ng Subic Bay Freeport Zone sa ilalim ng GCQ. ROEL TARAYAO
Comments are closed.