500 FILIPINO NURSES KAILANGAN SA GERMANY

Nurses

MANDALUYONG CITY – MAHI­GIT 500 Filipino nurses ang kaila­ngan sa Germany, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sinabi ni POEA deputy administrator Villamor Ventura Plan na inaasahan nilang maraming magkakainteres para pumasok bilang nurse sa Germany lalo na umabot na sa 2,000 euros o P113,000 ang buwanang sahod.

Hindi pa kasama ang overtime pay na nasabing halaga.

Sakaling makapasa sa pagsusulit ang aplikante, may tsansa pang madagdagan ang suweldo nito.

Sa record, nasa 800 Filipino ang nai-deploy sa Germany noon pang 2013.

Ang nais mag-apply na Filipino nurses ay magtungo lamang sa POEA hanggang Marso 2. EUNICE C.

Comments are closed.