ISABELA – PINANGANGAMBAHAN na aabot sa mahigit sa 5,000 ektarya ng pananim na mais ang maaring masira sa pananalasa ng Bagyong Ramon sa lalawigang ito.
Pahayag ni Cauayan City Agriculturist Constante Barroga na sa ngayon ay ilang magsasaka na ang nakapagtanim ng mais sa malawak na taniman sakop nang Lungsod ng Cauayan.
Batay sa talaan ng ungsod, umaabot na sa 5,430 hectares ang natamnan na ng mais habang tinatayang 1,700 hectares ay malapit sa ilog na madalas itong nalulubog sa tubig kung may bagyong parating sa lalawigan ng Isabela.
Samantala, bukod sa mga pananim na mais ay wala pa silang naitalang nakapagtanim ng palay sa lungsod dahil sa kasalukuyang naghahanda pa lang ng kanilang sakahan ang mga magsasaka.
Umaasa pa rin ang mga magsasaka na hindi magdudulot ng pagbaha sa kanilang mga tanim na mais dahil magpahanggang ngayon ay wala si bagyong Ramon sa kanilang lugar.
Nangangamba pa rin si Barroga sa maaaring pagtaas ng tubig at kung magtagal ito ay maaaring makaapekto sa bagong tanim na mais ng mga magsasaka. IRENE GONZALES
Comments are closed.