MAY 5,000 trabaho sa Taiwan ang bukas para sa mga Pilipino, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).
“We have around 5,000 job orders for the three job fairs. Hopefully mapuno natin,” pahayag ni MECO Chairperson and Resident Representative Cheloy Garafil.
Ang tinutukoy ni Garafil ay ang job fairs sa Quezon City, Cabanatuan City sa Nueva Ecija, at San Jose del Monte City sa Bulacan.
Ang MECO at ang Department of Migrant Workers (DMW), sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal at stakeholders, ay nagsagawa noong Miyerkoles ng job fair para sa Taiwan employment opportunities sa City Sports Complex sa San Jose del Monte.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 1,500 job vacancies sa Taiwan ang inilaan sa mga residente ng lungsod.
Ang mga iniaalok na trabaho ay nasa mga sektor ng semiconductor at e-chips production.
Libre ang pagproseso sa requirements, simula sa medical examinations hanggang deployment costs.
Layunin ng inisyatiba na mapababa ang unemployment rate sa lungsod.