51K TURISTA TARGET SA SEMANA SANTA

BORACAY

NASA 51,000 turista  ang target ng Malay Municipal Tourism Office (MMTO) na darating sa Boracay ngayong panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, Jr.,  noong 2017 ay umabot sa 54,887 ang mga turistang pumasok nasabing isla habang 50,113 lamang noong 2018 na bumaba ng mahigit sa 4,000 dulot ng pagpapasara sa Boracay ng anim na buwan.

Nabatid pa na sa pinakahuling datos ng MMTO,  80% ng mga turistang dumating sa nasabing isla ay pawang mga Chinese at Korean.

Gayunpaman, siniguro ng Aklan Police Provincial Office (APPO) na mahigpit nilang babantayang ang  entry at exit boarder ng isla at sa mainland Malay para sa kaligtasan ng mga turista at bakasyunista.

Napag-alaman din na nasa 326 establishments na may 11,943 rooms ang accredited ng Boracay Inter-Agency Ma­nagement Group (BIAMG) na maaring tumanggap ng mga bisita.

Comments are closed.