52 BRGY OFFICIALS KINASUHAN

DILG OFFICE

KINASUHAN  ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 52 barangay officials dahil sa pagkakasangkot sa partisan politics makaraang mahuling lantarang ikinakampanya ang mga sinusuportahang kandidato.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na inihain nila ang reklamo sa Commission on Elections (Comelec).

Kabilang sa mga ipinagharap ng reklamo ay mga kapitan ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials na aktibong nangangampanya para sa mga kandidato sa midterm elections.

Ayon sa DILG, galing sa iba’t ibang lugar sa  bansa ang mga kinasuhang opisyal kabilang ang Misamis Oriental, Taguig, Cavite, Bulacan, Que­zon City at Caloocan.

Base sa joint memorandum ng Comelec at Civil Service Commission, ang Presidente at Bise Presidente at iba pang elected officials maliban sa mga barangay official ay puwedeng masangkot sa partisan politics.

Comments are closed.