53 DRUG COURIERS, 59 MGCQ VIOLATORS ARESTADO

Arestado

CAVITE – UMAABOT sa 53 drug couriers at 59 MGCQ violators ang nalambat ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang magdamagang anti- criminality operations sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, ang 53 drug courier ay nasakote ng pulisya sa isinagawang sunod sunod na anti- drug operations kung saan nakasamsam ng 117 plastic sachets na shabu at drug paraphernalias.

Aabot naman sa 20 sugarol ang nalambat sa serye ng anti- illegal gambling operations sa Imus City, Rosario, Cavite City, at General Trias City kung saan naaktuhang nagbi-bingo, tong-its, mahjong, ending at pusoy dos.

Naitala naman ang 39 violators ng MGCQ na walang face mask, quarantine pass, paglabag sa social distancing at curfew hours.

Ipinatupad naman ang Constitutional Rights sa mga suspek na nasakote sa ilalim ng Miranda Rule at RA 9745 (Anti-Torture Act of 2009) kung saan inihahanda na kaukulang dokumento bago kasuhan sa Office of the Provincial Prosecutor. MHAR BASCO

Comments are closed.