53 TIWALING PULIS NAGTAPOS SA 30 DAYS REFORMATION PROGRAM

albayalde

CAMP CRAME – MATAPOS na masangkot sa ilegal na gawain,  sumailalim at nagtapos sa 30 days reformation program ang 53 mga pulis.

Ang kanilang pagtatapos ay sinasaksihan mismo ni PNP Chief, General Oscar Albayalde sa school for values and leadership satellite office sa PNP training Service sa Subic Bay Freeport Zone, Subic Zambales.

Ayon kay Albayalde ang mga pulis na sumailalim sa 30 days reformation program ay nakapag-commit lamang ng minor offenses kaya maaring maitama pa.

Katunayan nito, ayon sa heneral, nais lamang nilang ipakita na maging ang mga pulis na nakapag-commit ng minor offenses ay hindi pinapalampas.

Aniya pa, hindi naman daw ito parusa sa halip bahagi ng pagdidisiplina sa kanilang mga kabarong naliligaw ng landas.

Kaya panawagan ni Alba­yalde sa lahat ng mga pulis magpakatino para hindi sumailaim sa Focused Reformation Reorientation and Moral enhancement (FORM).

Ang FORM ay ginagawa ng PNP batay na rin sa utos ng Pangulo na magsagawa ng Internal cleansing program sa hanay ng PNP dahil sa malimit na pagkakasangkot ng mga pulis sa katiwalian. REA SARMIENTO

Comments are closed.