MASBATE CITY-KINASUHAN ng paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders at Article 293 ng Revised Penal Code o Robbery noong Hulyo 15 ang may-ari, 29 tripulante, mga kasapi ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Region-7 na sumakay sa umano’y itinakas na purse seine o pangulong.
Batay sa ulat ni P/Capt. Lawrence Martinez, OIC Provincial Officer ng 502nd Maritime Command sa Masbate, bagaman karamihan sa mga sumakay sa FBca RAV FISHING ay nagtungo sa Cebu City, ang limang tripulanteng naaresto nitong sina Temoteo Ofianga, Pedro Negre, Jonathan Cernal, Roy Santillan at Norberto Cornel ay isinailalim sumano sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office noon ding Hulyo15 ni Prosecutor II Romeo Ballares Jr.
Kasama sa kinasuhan ang may-ari ng bangka, team leader ng PNP- IMEG-7 at isa pang kapitan, na ayon sa Philippine Coastguard (PCG-Masbate) ay siyang nagpaalam dito noong Hulyo14 bandang alas-4 ng madaling araw na pinahintulutan na ng Maritime na maglayag patungong Cebu ang nabanggit na bangka kahit wala pang clearance at order of release umano mula sa BFAR bunsod sa umano’y paglabag sa section 89 at 113 ng RA 8550 as amended ng RA 10654.
Ang bangka ay una nang nasabat ng grupo ni P/Major. John Murray Cutaran noong Hulyo 7 habang iligal na nangingisda umano sa karagatan ng isla Manoc- Manoc, Esperanza na sakop ng lalawigang ito. NORMAN LAURIO
Comments are closed.