540 KATAO ‘ITINUMBA’ NG DENGUE

DENGUE-4

CAMP AGUINALDO – NADARAGDAGAN pa ang bilang ng nasasawi bunsod ng dengue outbreak sa bansa.

Batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nadagdagan ng 49 katao ang nasawi kaya umaabot na sa 540 ang mga namatay dahil sa Dengue.

Pinakamaraming naitalang mga namatay ay sa Region 6 na may 126 indibidwal habang sa Region 6 rin ang may naitalang maraming nagkakasakit ng dengue na ngayon ay pumalo na sa 27,630 dengue cases.

Base sa monitoring ng NDRRMC, nadagdagan ng 7,900 ang nagkasakit ng dengue kaya sa kabuuan mayroon nang 130,012 ang mga Filipino na nagkasakit ng dengue.

Una rito ay nagdeklara na ang Department of Health ng National Dengue Epidemic para matutukan ang pagkontrol  ng mga nagkakasakit ng ­Dengue. REA SARMIENTO

Comments are closed.