MALAKI na naman ang itinaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Nasa 5,434 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes (Enero 4), pumalo na sa 2,861,119 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,809 o 1.0 porsiyento ang aktibong kaso.
889 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 24,026 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,020 ang moderate, 1,546 ang severe, habang 328 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 18 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 51,604 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 611 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya lumobo na sa 2,779,706 o 97.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.