5,481 UNITS NG YOLANDA HOUSING IPINAMAHAGI

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL- AABOT sa 5,481 yunit ng permanent housing ang tagumpay na nai-turn over sa mga qualified be­neficiaries sa tatlong local government unit sa ikatlong distrito ng lalawigang ito.

Ayon kay Marie June Castro, coordinator sa district housing concerns sa ilalim ng tanggapan ni Rep. Alfredo Benitez, na ang turnover ay posibleng maganap sa susunod na buwan, Agosto, makaraan makatugon sa requirements ang contractors at ang LGU-be­neficiaries.

Ang mga recipient areas ay ang Silay City  na may 1,992 housing units sa Barangay E. Lopez;  sa bayan ng E.B. Magalona na may 1,168 housing units sa Barangay Sto. Niño; at Victorias City sa may 2,321 housing units sa Barangay 13.

Ang housing sites ay nagtataglay ng multi-purpose covered courts  na may training centers at bukas sa community facilities.

Ang nasabing mga tahanan ay bahagi ng 27,055 permanent housing units na itinayo ng NHA-Negros, na ang mga lugar ay matin­ding naapektuhan ng Super typhoon Yolanda noong November 8. PMRT

Comments are closed.