PASAY – NAKAUWI na ang 55 minaltratong overseas Filipino workers (OFWs) na karamihan ay kababaihan at kabataan.
Batay sa ulat, lulan ng Etihad Airlines ang mga OFW na nakauwi sa bansa noong Sabado kung saan lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano sa NAIA Terminal 1.
Una nang nagpasaklolo ang OFWs sa pamahalaan at nagpasailalim sa amnesty program ng Jordan para makauwi.
Kabilang sa naging problema ng mga ito ay mga dokumento ng kanilang status.
Tinulungan naman ang mga ito ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iniabot sa kanila ang assistance, at binigyan ng pansamantalang matutuluyan. AIMEE ANOC
Comments are closed.