CAMP CRAME – TUMAAS pa ang bilang ng mga pulis na napaparusahan dahil sa iba’t ibang katiwalian sa panahon ni PNP Chief, General Archie Gamboa.
Sa conference kahapon kung saan iprinisinta ni Director For Personnel records Management (DPRM) Director Major Gen Reynaldo Biay ang datos ng mga napaparushang pulis.
Batay sa rekord ng PNP, simula Oktubre 14, 2019 o pag-upo ni Gamboa bilang officer-in-charge nang magbitiw si dating PNP Chief, Ret. Gen. Oscar Albayalde, hanggang Pebrero 25, umaabot sa 550 kada buwan ang napaparusahan dahil sa iba’t ibang katiwalian.
Mataas ang datos na ito kung ikukumpara noong Hulyo 2016 hanggang 2018 na umaabot lamang sa 280 pulis kada buwan ang napaparusahan.
Habang Enero 13, 2019 hanggang Oktubre 13, 2019 ay umaabot lamang sa 335 na pulis kada buwan ang naparusahan.
Kung susumahin naman ang mga pulis na naparusahan na dahil sa katiwalian simula 2016 hanggang ngayong Pebrero 25 umaabot na ito sa kabuuang 13,331.
Sa bilang na ito, ang pulis na natanggal sa serbisyo ay 3,914, 717 ang na-demote ang ranggo, 6,877 na pulis ay nasuspinde, 431 ay binawi ang suweldo, 1,196 ay na reprimand, 86 pulis ay naging restricted at 110 ay hindi nabigyan ng mga pribilehiyo o benepisyo. REA SARMIENTO
Comments are closed.