562 BAGONG SUNDALO PASOK SA 5th ID NG PA

NAKUMPLETO na ng 562 enlisted personnel ang kanilang pagsasanay na sinundan ng simpleng seremonya ng pagtatapos sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi Gamu, Isabela.

Nanguna naman sa pagtatapos ng mga bagong sundalo si BGen. Audrey Pasia, Commander ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Ang mga nasabing mga kandidatong sundalo ay nagmula sa iba’t ibang bayan.

Ang 187 ay mula sa Isabela; 138 sa Cagayan; 98 sa Kalinga; 20 mula Ifugao; 13 sa Apayao; 11 sa Mountain Province; 11 sa Quirino Province; 10 sa Benguet; 10 sa Nueva Ecija; 9 sa Abra; 9 sa Pangasinan; tig-7 sa Nueva Viscaya at Metro Manila; apat sa Ilocos Sur; tatlo sa Batangas; tig- 2 La Union, Zamboanggo del Sur at Misamis Oriental at isa mula naman sa Pampanga.

Ang mga naturang mga sundalo ay miyembro ng Alab Bagsik Class 728 Masintikas Class 729 Makidlat Class730 at Masid Alab 731-2022. IRENE GONZALES