58 GRADUATES NG TESDA MAY TRABAHO SA AIRPORT PROJECT

ISIDRO LAPEÑA

NAGTAPOS na sa kanilang training ang 58 katao na kabilang sa unang batch sa ilalim ng TESDA na ginanap sa Guiguinto Provincial Office.

Ayon kay Atty, Micaela Rosales, project manager ng San Miguel na ang mga nagsipagtapos sa unang batch ay limang taong magtatrabaho sa airport sa unang bahagi ng proyekto.

Nabatid na nasa 30,000 workers ang kailangan sa ibat-ibang larangan tulad ng welding, dress making,electrical carpentry, plumbing at iba pa.

Base sa record ng TESDA mayroong 12 na ang nagtapos sa cooking; 11 sa dressmaking; 12 sa electrical installation maintenance; 11 sa shielded metal arc o welding; at 12 hydrolic excavator na sa kabuuang ay umabot sa 58 ang tumanggap ng national certificates.

Kasunod na rin nito ang second batch na isasailalim na sa training ng TESDA na siyang bahagi pa rin ng First Phase.

Ayon naman kay TESDA Dir.Gen Isidro Lapena,maraming trabahado ang ibibigay ng proyekto.

Aniya, sa mga nagsipagtapos sa ibat-ibang skills, matapos ang kanilang kontrarta na limang taon sa SMC ay maaari na silang magtayo ng sariling negosyo at magtrabaho sa ibang kompanya. THONY ARCENAL

Comments are closed.