5K PAMILYA SA PASAY MABIBIYAYAAN NG RELIEF GOODS SA LINGAP SA MAMAMAYAN NG INC

LINGAP SA MAMAMAYAN-PASAY

NASA  5,000 pamilya sa Pasay City ang makakatanggap ng relief goods mula sa Iglesia Ni Cristo.

Ito ay taunang isinasagawa na bahagi ng selebrasyon  sa kaarawan ni INC  Executive Minister Brother Eduardo V.  Manalo

Ayon kay Bro. Eraño Catacho, INC District Supervising Minister, Metro Manila South District.  nakaugalian na taon taon ay isinasagawa ang pamamahagi ng relief goods sa iba’t ibang lugar  bilang  bahagi ng kabutihan at pasasalamat sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang Executive Minister sa INC. Si Ka Eduardo  ay magdiriwang ng kanyang ika -65 kaarawan ngayong araw, Oktubre 31.

Dagdag pa ni Catacho na hindi lamang ang Pasay ang makikinabang sa 5,000 relief packs  kundi maging ang Muntinlupa.

Ipinaliwanag naman ng mag-asawang Dr. Joseph at Elaine Galvez ng Buklod Organization ng INC na ang pagdiriwang ng  kaarawan ng kanilang Punong  Miinistro ay hindi katulad noon na nagkakaroon ng malalaking pagtitipon  dahil sa pandemic.

Ngunit magpapatuloy anila ang pagbibigay ng serbisyo at tulong lalo na sa mga higit na nangangailangan

Buong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Pasay City Mayor Emi Calixto -Rubiano sa pamunuan ng INC.

Ayon kay Rubiano, napakasuwerte ng Pasay dahil mababahagian  sila ng relief goods lalo na ngayon na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Dagdag pa ni Rubiano na sa panahong ito ay mas kailangan ang pagtutulungan ng mga tao lalo na’t hindi ito kaya ng pamahalaan mag-isa.

Nagpasalamat din ito kay Ka Eduardo  dahil sa kanilang pagtulong at alam niyang hindi lamang ito sa ngayong sitwasyon.

“Dalangin na biyayaan pa kayo ng mahabang buhay na walang hanggang kaligayahan at please continue e to be a blessing to everyone… maraming salamat sa inyong tulong,” saad ng alkalde. LIZA SORIANO

Comments are closed.