LONDON — Nakopo ni defending champion Novak Djokovic ang kanyang ika-5 Wimbledon title noong Linggo makaraang pataubin si eight-time champion Roger Federer, 7-6 (7/5), 1-6, 7-6 (7/4), 4-6, 13-12 (7/3), sa longest-ever final.
Naisalba ng 32-year-old Serbian ang dalawang match points tungo sa kanyang ika-16 na Grand Slam title.
Sa 4 hours at 57 minutes, ito ang pinakamahabang final sa Wimbledon.
Si Stan Wawrinka ang huling player na hindi kasali sa ‘big three’ na kinabibilangan nina Djocovic, Federer at Rafael Nadal, na nagwagi ng Grand Slam, ang 2016 US Open matapos na gapiin si Djokovic.
Ang huling player na nanalo ng Grand Slam na may edad na under 30 ay si Andy Murray, na nasikwat ang 2016 Wimbledon title sae dad na 29. Agence France -Press
Comments are closed.