MAHIGIT sa 6.8 million na turista ang dumating sa Filipinas mula Enero hanggang Oktubre, ayon sa Department of Tourism (DOT).
Mas mataas ito ng 15 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang South Korea ang top source ng bansa sa turista na may 1.6 million arrivals. Umaasa ang DOT na lolobo pa ang bilang sa paglagda sa tourism cooperation program sa pagitan ng Filipinas at ng Korea.
Pumapangalawa ang China na may 1.5 million tourist arrivals, mas mataas ng 41 percent sa bilang ng Chinese visitors sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Nasa ikatlong puwesto ang United States na may mahigit sa 872,000 arrivals, sumusunod ang Japan at Taiwan.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang paglobo ng arrivals ay dahil sa humusay na air connectivity, pinaigting na marketing promotions, gumagandang relasyon sa ibang bansa, ang lumalawak na pagkilala sa sustainable tourism advocacy ng bansa.
“The collective efforts and resolve of the whole tourism industry have paid off with the continued increase in our visitor arrivals and tourist receipts as well as recognition from major international award-giving bodies,” wika ni Puyat.
Target ng pamahalaan ang 8.2 million tourist arrivals ngayong taon. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.