SULU – ANIM na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalan bunsod ng patuloy na operasyon ng militar sa bayan ng Talipao.
Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, AFP-Western Mindanao Command (Westmincom) information officer, alas-8 ng umaga noong Linggo nang magsisuko ang mga bandido sa 2nd Special Forces Battalion, sa pamumuno ni Lt. Col. Jessie Montoya sa Talipao.
Kinilala ang mga sumurender na sina Arsi Kalam Akili; Nassal Asaral; Alvarez Sadjan alyas Tundok; Aysal Ajaral alyas Taki; at Medzmar Mursin alyas Choy.
Sinabi ni Besana na si Dalawis ay tauhan ni ASG sub-leader Sibih Pisih habang si Akili ay kasama ni senior ASG leader Radullan Sahiron.
Habang sina Asaral, Sadjan, at Ajaral, ay mga tauhan ni ASG sub-leader Apo Mike; at si Mursin ay supporter ni ASG sub-leader Raden Abu.
Sa pagsuko ng anim ay kanila ring isinurender ang kanilang anim na high-powered firearms kabilang ang isang M16A1 “Baby Armalite” rifle at five .30-caliber M1 Garand rifles.
Sinabi naman ni Lt. Gen. Arnel dela Vega, Westmincom chief, na kanyang bibigyan ng commendation ang tropa ng 2nd Spe-cial Forces Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Sulu sa pamumuno ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo para sa nasabing accom-plishment.
“Carry on with your good work,” ang payo ni Dela Vega sa kaniyang mga tauhan.
Nagpapatuloy ang military operations sa Sulu upang mabawi ang natitirang mga bihag na anim katao pa kabilang ang dalawang dayuhan na isang Vietnamese at Dutch. EUNICE C.
Comments are closed.