ANIM na coastal areas sa bansa ang positibo pa rin sa red tide.
Sa Shellfish Bulletin No. 07 Series of 2024 na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Abril 12, ang mga shellfish na nakolekta sa coastal waters ng naturang mga lugar ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.
Ang mga apektado ay ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption, ayon sa BFAR.
Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta sariwa at huhugasang mabuti, at tatanggalin ang internal organs tulad ng mga hasang at bituka bago lutuin.