NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na dayuhan sa Bulacan dahil sa pag-o-operate ng isang minahan sa bansa nang walang permit mula sa pamahalaan.
Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto ang mga dayuhan nitong nakalipas na Oktubre 18 sa kanilang tanggapan sa Xiaobo Srap Trading Co. sa Luasan St. Bgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan.
Kinilala ang mga nahuli na sina Cheng Yi Huang, Taiwanese, at mga Chinese national na sina Junbo Deng, Yunli Zhou, Jun Li, Wei Lin, at Weike Qu, na agad na ikinulong ng BI sa Taguig City.
Nadiskubre ng BI ang ilegal na aktibidades ng mga ito sa tulong ng isang concerned citizen sa Marilao dahil sa partikular na sa export business na hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Sinabi ni Morente na hindi niya ititigil ang kanyang kampanya laban sa illegal foreign workers dahil inaagawan ng trabaho ang mga Filipino sa sariling bansa.
Kinakailangang kumuha ng working permit sa Depertment of Labor and Employment (DOLE) ang sinumang dayuhan na mag-tatrabaho sa bansa.
FROI MORALLOS
Comments are closed.