IBINENTA ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na luxury na mga sasakyan sa koordinasyon ng Assessment and Operations Coordinating Group, Auction and Cargo Disposal Division, Bureau of Treasury (BTr) at ng Land Bank of the Philippines.
Ang naturang mga sasakyan ay kinabibilangan ng 2001 Porsche Boxster, used 2001 SLK350 Mercedes Benz, 2008 used 430 Ferrari Scuderia SLK55 2001 used Mercedez Benz, E220 2011 used Mercedes Benz at isang brand new G500 Mercedes Benz.
Ayon sa report nilabag ng importer o may-ari ng mga sasakyang ang section 1113 o Customs Modernization and Tariff Act na siyang naging batayan ng BOC upang humantong sa confiscation proceedings.
Batay sa impormasyon ang mga sasakyang ito ay naka-consigned sa JLDFM Consumer Good Trading at Frebel Enterprises, at dumating sa Manila International Container Port (MICP) ilang taon na ang nakakalipas.
Samantala, kinondena ng ilang port users sa nangyaring bidding dahil kadalasan ang nakakakuha o nakakabili ay ang mga may-ari mismo ng imported na sasakyan. FROILAN MORALLOS