SAUDI ARABIA – NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Overseas Workers’ Welfare Ad-ministration at ng Philippine Consulate sa Jeddah ang anim na menor na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang ito.
Batay sa ulat, minamaltrato umano ng kani-kanilang mga amo ang anim na OFWs sa naturang bansa.
Isang team ng Filipino officials ang sumagip sa mga batang OFW na hindi umano pinapasuweldo ng kanilang mga employer ilang buwan na ang nakalipas kaya tumakas.
Sinabi ni Labor Attache Nasser Munder na ang anim na OFWs ay kasalukuyang namamalagi sa Bahay Kalinga ng Consulate.
Karamihan daw sa mga biktima ay na-recruit at nagtrabaho sa Saudi Arabia ng sila ay hindi pa pasok sa minimum age requirement na 23-anyos.
Ayon sa isa sa mga biktima, 15-anyos lamang siya nang dumating siya sa Kingdom of Saudi Arabia noong 2016.
Tinulungan lamang umano siya na pekein ang kanyang edad. EUNICE C.
Comments are closed.