UMAABOT sa anim na milyong discounted na promotional seats ang iniaalok ng AirAsia sa halagang P1 base fare sa kanilang first “BIG sale” para sa taon.
Ang mga miyembro ng BIG loyalty program ng AirAsia ay maaring makakuha ng discounted airfares para sa mga biyahe mula Maynila tungo sa Bangkok, Cebu tungo sa Kuala Lumpur, Singapore, Taipei, Cagayan de Oro, Caticlan, at Puerto Princesa, Clark patungo sa Kaohsiung, at marami pang ibang flight na pawang piso lamang.
May one-way flights offer rin ang airline mula Kuala Lumpur tungo sa Taipei, Fukuoka, Seoul, Gold Coast, Perth, Melbourne, at Sydney sa halagang P990.
Ang booking period ay mula Marso 9 hanggang 15 para sa travel period mula Setyembre 7, 2020 at July 1, 2021.
“We are thrilled to announce our first BIG Sale for 2020, providing ample opportunity to book an affordable getaway from early September up until July of next year. The best way to secure the lowest fares and great value travel deals is to plan ahead and book early – as with this latest Big Sale,” pa-hayag ni airasia.com CEO Karen Chan.
Ang anunsiyong ito ng AirAsia ay sa gitna ng travel restrictions sa ilang mga bansa dahil sa global outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Comments are closed.