6 OFWs PA MULA LIBYA NAKAUWI NA

libya

PASAY CITY – ANIM na overseas Filipino workers (OFWs)  mula Libya ang pauwi na sa Filipinas.

Sinabi ni Charge D’ Affaires Elmer Kato na kasabay ng mga pinauwing Pinoy ang dalawang Rapid Response Team mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang pagpapauwi sa mga Pinoy mula sa nasabing bansa ay bahagi ng mandatory evacuation bunsod ng nagaganap na cold war sa Libya na nagsimula noong Abril 4.

Pinigilan ni Libyan Prime Minister Fayez Al-Sarraj ang Libyan National Army na kinokomandante ni Khalifa Haftar na bombahin ang Tripoli subalit sinuway ito dahilan para umigting ang labanan sa nasabing bansa.

Una nang inilagay ng Filipinas sa alert level 4 crisis ang Libya na nangangahulugang dapat nang lisanin ng mga Filipino ang nasabing bansa dahil sa umiigting na labanan.

Ilang Filipino na rin ang sugatan nang masapol ng rockets attacks habang isang Sudanese ang nasawi sa nasabing bakbakan.

Sa datos, nasa 1,000 Filipino na nasa Libya ang patuloy na hinihimok ng Philippine government na umuwi na sa bansa. EUNICE C.