PINAGTATANGGAL sa puwesto ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang anim na opisyales ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority (Marina) kasunod ng pagkamatay ng 31 katao sa malagim na trahedya sa karagatan ng Iloilo Strait nitong nakalipas na linggo.
Batay sa utos ni Tugade, apat na opisyal ng PCG ang tinanggal kabilang ang station commanders sa Iloilo at Guimaras habang dalawa naman sa panig ng Marina kabilang ang regional director sa Western Visayas.
Agarang nagpalabas ng direktiba ang kalihim kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino at Marina OIC Administrator Narciso Vingson Jr., sa kanilang isinagawang inspeksiyon sa iba’t ibang pasilidad ng pantalan sa Guimaras at upang makapagpaabot ng personal na pakikiramay sa mga pamilyang naulila sa kalunos- lunos na aksidente.
“Kaya inalis natin agad sa puwesto para sa parallel investigation kung mapatunayang may kasalanan of course file natin ang ap-propriate criminal charges na dapat nilang harapin,” pahayag ni Tugade.
Kasunod nito, nangako ang kalihim na magbibigay ng trabaho sa mga kuwalipikadong miyembro ng pamilya ng mga nasawi sa naganap na trahedya. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.