SINISIKAP ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA), na palakasin ang industriya ng cacao sa bansa para siguruhing magiging de kalidad na suplay na tatagal ng taon.
Marami ang mahilig sa tsokolate at masuwerte ang Pilipinas dahil isa ito sa mga lugar kung saan inaani ang cacao, ang halaman na nagpoprodyus ng pinaasim at fatty seed na gamit sa paggawa ng tsokolate.
Sa nalalapit na selebrasyon ng Independence Day, iha-highlight ang ilan sa mga gawang lokal na brand ng tsokolate na ngayon ay available na sa Pilipinas. Ito ang the best na pagdiriwang, ang suportahan ang sariling atin.
TRUE CHOCOLATE
Nagsimula ang small home-based business na ito sa hilig ni Treena Tecson sa paggawa ng tsokolate. Lumilikha siya ng kanyang truffles at bars gamit ang kamay mula sa Belgian couverture chocolate sa maliliit na batches gamit ang magaling na panghalo, kasama ang locally-sourced cacao mula sa kanyang probinsiya sa Negros Occidental.
Pagbabahagi ni Treena, “It is my goal to offer high quality chocolate creations using both imported and local chocolate. I welcome the opportunity to work with our farmers and help create livelihood for them.”
Gusto rin niyang lumikha ng local bean-to-bar chocolate.
TIGRE Y OLIVA
Gawa sa locally-sourced ingredients, ang Tigre Y Oliva ay una sa pag-highlight ng single-origin Philippine chocolate mula sa iba’t ibang lugar.
Sabi ng may-ari ng Tigre Y Oliva na si Roberto Crisostomo, “The cacao comes from farms around the Philippines. This year’s current selection is from the Davao region. We are likely to have other local origins in the near future.”
Dagdag pa niya, “Similar to wine, the variety and surrounding environment where the crop grows are a major contributor to taste. We selected micro-origins which exhibited interesting taste profiles and characteristics.”
Mula nang kumuha sila ng kanilang cacao sa mga magsasaka, alam aniya ng lahat na ang nakukuha na tsokolate ay sariwa. Gumagamit sila mula sa US at Italy “where they have long traditions of chocolate craftsmanship and culture of chocolate eating.”
HOT-TIP
Subukan ang kanilang dark chocolate espresso bar at coconut milk bar. Facebook. Instagram.
MALAGOS CHOCOLATE
Ang Malagos Chocolate ang matagal nang pinanggagalingan ng pagmamalaki at tuwa para sa bansa, at kamakailan lamang, ito ang party favor na inihandog sa ASEAN wives noong nakaraang November meet.
Nagsimula ang kuwento ng Malagos, sa Baguio District ng Davao. Galing sa family-owned business dealing with agriculture, ang founders na si Roberto at Charita Puentespina ay nagbaka-sakali sila sa cacao farming noong 2003.
Sinabi ni Jamie Concepcion ng Malagos Chocolate, ang kanilang tsokolate ay gawa mula sa halaman hanggang sa choco bar. Lahat magmula sa pagtatanim ng puno ng cacao hanggang sa pag-aani ng bunga at paggawa ng chocolate mula sa cacao seed ay ginagawa sa Malagos. Sabi niya, “We have full control on the process where quality is of top priority. The beans, after being fermented and dried, are sorted and only Grade A Trinitario cacao beans are made to become the chocolate.”
Maaaring pamilyar kayo sa kanilang unsweetened chocolate na puwedeng gamitin bilang hot chocolate, desserts, at ibang baked goodies. Ang kanilang unsweetened chocolate ay nanalo ng limang 5 international awards kasama ang 2017 One Star Accolade from Great Taste Awards sa UK.
Kasalukuyan nilang ginagawa ang pagsasama-sama ng kanilang local flavors sa kanilang produkto at ilulunsad ngayong taon. Website: Instagram.
RISA CHOCOLATE
Ipinagmamalaki ng Risa Chocolate ang paglikha ng handcrafted chocolate gawa sa pinaka-maayos na ingredients pero mas importante na may puso.
Ang single-origin bars ay gawa sa South Cotabato cacao beans, na may light caramel flavor.
Subukan ang kanilang bacon chili chocolate, brown butter milk chocolate with hazelnuts, at cerveza negra truffles. Website: Instagram.
Comments are closed.