VALENZUELA – NASAKOTE ang anim na katao na pawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/ Capt. Segundino Bulan Jr. ang mga naarestong suspek na sina Rommel Pelayo alyas “Ric”, 31; April Ballesteros alyas “Kapre”, 42; Roman Bardonado, 41; Leandro Macanit alyas “Anlo”, 34; Ronald Dacer alyas “Turon, 19; at ang 17-anyos na si alyas “Bentong”, pawang ng Brgy. Bignay.
Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU ang buy bust operation kontra sa mgs suspek sa Phase 2A, Northville 1, Bignay kung saan isa sa mga operatiba ang nagpanggap na buyer at nagawang makapag-transaksiyon sa isa sa mga suspek ng isang sachet ng shabu.
Nang tanggapin ng isa sa mga suspek ang P200 marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu agad lumapit ang back-up na mga operatiba at inaresto ang mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang anim na plastic sachets ng hinihinalang shabu, buy bust money at P600 bill. EVELYN GARCIA
Comments are closed.