6 SANGKOT SA DROGA, ARESTADO SA CALOOCAN

shabu

NASAKOTE ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga  sa magkahiwalay na police operation na nagresulta sa pagkaka-rescue sa dalawang menor-de-edad sa Caloocan City.

Sa nakarating na report kay acting Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, bandang alas-12:40 ng Sabado ng hapon, nag-sasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-4 sa pangunguna ni P/Maj. Celso Sevilla kasama ang Special Reaction Unit (SRU) North sa pangunguna ni PSSG Sonny Signaben sa Waling-Waling St. Barrio San Roque, Brgy. 187 hinggil sa naganap na insidente ng pamamaril nang isang lalaki ang tumakbo.

Hinabol ito hanggang sa makorner ang lalaki na nakilalang si Wilson Bejo, 48 ng 798 Malvar St. Brgy. 178, Camarin at nang kapkapan ay narekober sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Samantala, nasakote naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Deo Cabildo si Michael Chavez, 26 ng Lapu-Lapu St. Brgy. 12, sa ikinasang buy bust operation sa Julian Felipe St. Brgy. 8, dakong ala-1:30 ng Linggo ng madaling araw.

Narekober sa suspek ang P200 buy bust money habang kasama din dinakip ng mga ope­ratiba si Jamar Bautista, 27, Kennedy Villalobos, 30 at ang dalawang edad 17-anyos na binatilyo matapos maaktuhang nakikipagtransaksyon ng droga kay Chavez.

Nakumpiska sa apat ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. EVELYN GARCIA

Comments are closed.