ARESTADO ang anim na hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang babae sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, Martes ng gabi.
Batay sa report na nakarating kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, alas-10:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr. ang buy bust operation sa No. 11 Bisig Rd., Valenzuela na nagresulta sa pagkakaaresto kay Robert Dawat, 43, at Ma. Cristina Dela Cruz, 33, kapwa nasa drug watchlist matapos magbenta ng isang sachet ng shabu kay PCpl Julius Bernardo na nagpanggap na pbuyer.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Carlos Erasquin Jr., nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P500 buy bust money, P2000 bill, timbangan, color silver, dalawang transparent plastic sachet at isang belt bag.
Dakong alas-10:45 ng gabi nang madamba din ng mga operatiba ng SDEU Team 3 sa buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA sa 47 Templanza St., Marulas sina Lina Librando, 45, Roberto Cantos, 45; John Carl Cabarco, 38, sales representative; at Arnie Christian Agaton, 20, dating OFW.
Nabatid kay PSSg Carlito Nerit Jr., narekober kay Librando ang coin purse na naglalaman ng pitong sachet ng hinihinalang shabu, P200 buy bust money at P400 bill habang nakuha naman kay Cabarco at Agaton ang tig-isang sachet ng hinihinalang shabu. EVELYN GARCIA
Comments are closed.